"Bai.. dota ta?
dili ko kay mag palevel pa ko ug Ran..
asus!! cabal na lang ta eh..
unsa man na ui..chui pa ang Flyff dra..
wahhh!!!flyFF?? wala'y challenge."
Online games dito.. online games diyan.. Online games doon..
halos lahat na ata ng mga internet cafe, puno ng mga estudyanteng naglalaro ng mga usong-usong Online LeveL-Up Games. Kadalasan ay mga kalalakihang teenagers.. o mga estudyanteng adik dito.. lahat kumakalikot sa mouse at keyboard ng computer at tutok na tutok sa mga video games na nilalaro sa computer. Ano nga ba ang mapapala ng mga taong hook na hook dito? nakakatulong ba ito sa pag-aaral?? O talagang sinisira lamang nito ang ating kinabukasan.
Karamihan sa mga nahohook dito ay mga estudyante.. ang iba nag-aabsent pa para lamang makapaglaro.. para lamang atupagin ang mga bagay na di naman talaga importante..
Noong una,hindi naman talaga uso ang mga Level-up games na yan eh..pero nang dumating ang genre ng mga Larong ito, marami ang nabighani,,marami ang natuto hangga't pati ang pag-aaral ay napabayan.. kahit allowance sa school ginagamit makapagcomputer lang..
hindi ba nila narerealize na nagpapakahirap ang mga parents nila upang sila'y pag-aralin.?
pero anong nangyayari?
ang patuloy na paglala ng pagka-hook sa mga Online games ng mga kabataan ngayon ay nakakabahala na. Paano na lang ang kinabukasan nating mga pag-asa umano ng bayan??
kung sa halip na pag-aaral ang pinagtutuunan ng pansin ay pagbababad sa harapan ng PC na kung minsan ay naabutan pa ng magdamag sa harap nito o sa mga 24-hour internet cafe..
napakahirap ng iwanan ang mga nakasanayan subalit kung pag-iisipan lang sana natin ang maaring epekto nito..malalaman natin kung ano ang totoo. Hindi masama ang sumabay sa uso subalit kung ito'y nakakasama, hangga't maaga pa ay maari nating iwasan..
sa LAhat ng mga Online-Level-up-games addict? Good Luck at sana'y may maganda kayong makukuha sa gingawa nyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment